pag ibig sabihin mo

Yung kaibigan at ang ka-ibigan,
saan ang simula, saan ang katapusan?
At ang halaga ng kasiyahan,
kanino to sa nagmamahalan?

Bakit kahit may kapiling na,
minsan ito ay kulang pa
At kapag naliligaw,
siguradong lumilitaw,
ibang nalilibang na manliligaw?
Ano ang dapat na gawin,
kapag malayo ang tingin…

Ang ayaw at hinahanap,
mga pangarap at masarap,
Kung alam ang ginugusto,
ano naman ang balak tungkol dito?
Hay nako! gulong gulo, hilong hilo,
at tuloy tuloy nalilito,
puro isip at hiling ng puso,
ano ang kayang matiis,
at ano ang ninanais…

Sa drama nitong nadarama, ambot!
Ipaliwanag nga ang lintikan na sagot!